UMAKYAT ang inflation rate sa bansa noong Setyembre 2022 sa 6.9 porsiyento mula sa 6.3 porsiyento na naitala noong Agosto 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito ang pinakamataas na inflation rate na nakuha ng bansa mula noong Oktubre 2018.
“The Philippines’ average inflation rate from January to September 2022 stood at 5.1 percent. In September 2021, inflation rate was observed at 4.2 percent,” sabi ng PSA.
Isinisi naman ng PSA ang pagtaas ng inflation rate bunsod ng pagsirit ng presyo ng pagkain na umabot sa 7.4 porsiyento at non-alcoholic beverages na 6.3 porsiyento.
“This was followed by housing, water, electricity, gas, and other fuels with 7.3 percent annual growth, from 6.8 percent in August 2022,” dagdag ng PSA.
Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng pangkaraniwang bilihin at serbisyo na binibili ng mga konsyumer.