HINDI nagawang pangalanan ng dating action star na si Jeric Raval ang kanyang 18 anak sa iba-ibang babae.
Labing-apat lamang sa 18 anak ang napangalanan ni Jeric sa challenge sa kanya ni Boy Abunda na pangalanan ang mga anak mula sa panganay hanggang sa bunso.
“Ang dami kasi eh! Senior citizen na,” ani Jeric sa “Fast Talk With Boy Abunda.”
Apat sa mga anak ni Jeric ay sa asawa niyang si Jennifer Buensuceso habang ang 14, kabilang ang Vivamax star na si AJ Raval, ay mula sa iba-ibang mga babae.
Kasal na sina Jeric at Jennifer bago pa pumasok sa showbiz ang aktor noong 1990s.