Senior citizen nahipnotismo, nawalan ng P700K

TINUTUGIS na ng pulisya ang tatlong miyembro ng budol-budol gang na tumangay sa P700,000 ng isang senior citizen sa Cebu City.

Ayon sa babaeng biktima, nilapitan siya ng mga suspek noong Huwebes at salit-salitang kinausap.

Sinabi ng matanda, isang retiradong government employe, na tila nahipnotismo siya ng mga babae kaya nai-withdraw niya sa bangko ang inipon na pera.

Sinusuri na ng mga otoridad ang CCTV footage sa lugar para sa pagkakakilanlan sa mga kawatan.