Senators: NAIA, DOTr ‘di na natuto sa kapalpakan

BINATIKOS ng mga senador ang panibagong kapalpakan ng Ninoy Aquino International Airport at ng Department of Transportation matapos ang ilang oras na brownout sa nasabing airport nitong Lunes, Labor Day.

Ayon kay Senador Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public services, tila hindi na natuto ang DOTr sa mga nauna nitong kapalpakan at muli pa itong naulit dahilan para maantala ang buong sistema ng airport at maabala ang maraming pasahero.

“The incident shows another disruptive failure of the airport systems causing grave inconvenience to travelers. Hindi katanggap-tanggap na tuwing may brownout, maaantala ang buong sistema ng airport at ang byahe ng publiko,” pahayag ni Poe.

Ang hindi pag-function nang maayos ng mga aircondiitoning unit sa airport ay maari din anyang maglagay sa alanganin sa kalusugan ng mga pasahero, lalo pa’t ng mga matatanda.

“Parang ‘di natututo ang DOTr at NAIA sa mga nauna nitong kapalpakan,” dagdag pa ng senador.

Inis at pagkadismaya rin ang naramdaman ni Senador Nancy Binay.

“[W]e are again in every social media portal, news channel, and newspapers across the world.  Again, today’s incident pointed to a string of inadequacies that showed how weak, bad, and vulnerable our airports are,” ani Binay.

Masakit anyang isipin na ang mensaheng naibibigay ng Pilipinas sa buong mundo dahil sa nasabing aberya ay “travelling in the Philippines has become an unpleasant and frustrating experience.”

“Para bang tuwing nasa kalagitnaan ang lahat ng long weekend, laging may aberya na nangyayari sa ating mga airport—almost always, passengers have to deal with bad airline experiences, plus the string of technical glitches. Our gateway to the Philippines has literally become a port of inconvenience to travelers and tourists,” anya pa.

Maging si Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva ay dismayado rin sa pangyayari.

“Hindi pa ba tayo nadala? To the concerned aviation and transportation officials, have you had not enough yet? We’ve been in this situation last New Year’s Day and it was even worse,” panawagan naman ni Estrada.

“Unfortunately, parang sirang plaka na kami na disappointing ‘yung ginagawang mga hakbang para ayusin at i-improve ang ating airport, ang ating CAAP,” pahayag naman ni Villanueva.

Naganap ang power outage ala-1:05 ng madaling araw nitong Lunes. Naibalik ang kuryente halos alas-9 na ng umaga.