HINDI pumayag ang Senate committee on public order and dangerous drugs na paharapin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na dumalo via online sa pagdinig ng komite sa nangyaring pamamaslang kay gobernador Roel Degamo at walong iba pa noong Mar
Mahirap umanong isailalim si Teves sa hurisdiksyon ng komite kung hindi naman batid kung nasaan ang kongresista, ayon kay Senador Ronald “Bato” De La Rosa, chairperson ng komite.
“There may be legal issues that will arise as to the taking of oath as a basic requirement in taking testimonies of any resource person or witness. The whereabouts of Congressman Teves is not known or definite. Thus, jurisdiction as to his oath will be taken maybe questioned legally,” ani De La Rosa.
“Kapag maging unruly or magiging deceitful yung ating witness when we are going to cite him for contempt, we don’t have jurisdiction over his physical body,” dagdag pa nito.
Una nang hiniling ng misis ng pinaslang na gobernador na si Pamplona Mayor Janice Degamo na huwag payagan ng komite si Teves na dumalo sa pagdinig sa pamamagitan ng online.
Ikinasa ang pagdinig bilang tugon sa Senate Resolution No. 581 na inihain ni Senador Risa Hontiveros na humihiling na imbestigahan ang pagpaslang kay Degamo at iba pang insidente ng pagpatay sa lalawigan at iba pang bahagi ng bansa.