NANINDIGAN ang tanggapan ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi ito sangkot sa kontrobersyal na Edsa bus way incident.
Ayon sa opisina hindi ang senador ang may-ari ng sasakyan na may pekeng protocol plate No, 7 na nasa gitna ngayon ng kontrobersya, bagamat na-traced na ang may-ari nito ay ang kumpanyang Orient Pacific Corporation, na may kaugnayan sa pamilya ni Gatchalian.
“He was not involved in the incident at the Edsa busway in Guadalupe and was not inside the vehicle when it occurred,” ayon sa press release ng tangapan ng senador.
“The senator does not own the fake protocol plate of the said sports utility vehicle. Furthermore, Sen. Gatchalian has no connection to Orient Pacific Corporation whatsoever,” giit pa nito.
Matatandaan na nangyari ang insidente noong isang buwan kung saan muntik pang sagasaan ng driver ng Cadillac Escalade na may plakang “7” ang isang babaeng enforcer na sumita sa kanila dahil sa pagdaan sa Edsa bus lane sa Guadalupe, Makati City.