INIHAYAG ni Interior Secretary Eduardo Año na sarado ang lahat ng mga semetenteryo at columbarium sa buong bansa mula Oktubre hanggang Nobyembre 2, 2021.
“Sa paggunita naman po ng Undas ngayong November 1, ang IATF ay naglabas na ng guidelines na ipasasara ang lahat ng sementeryo, memorial parks, libingan, kasama na ang columbaria mula October 29 hanggang November 2, 2021. Ang ating mga kababayan ay maaaring bumisita sa mga nasabing lugar anumang araw maliban sa nasabing panahon,” sabi ni Año sa kanyang ulat sa Talk to the People Martes ng gabi.
Idinagdag ni Año na 30 porsiyentong kapasidad naman ang papayagan lamang sa loob ng mga sementeryo.
“Kinakailangan din magpasa ng ordinansa or executive order ang mga LGUs upang ito ay maipatupad nang maayos upang maging ligtas ang ating mga kababayan sa paggunita ng darating na Undas,” aniya.