UMABOT na sa 16 milyong pamilyang Pinoy ang sinasabing sila ay mahirap, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey nitong Hunyo, umabot sa 58 porsyento ang nagsabi na sila ay mahirap, mas mataas ng 12 porsyento na naitala noong Marso.
Ito ang pinakamataas na naitala simula noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Noong 2001, naitala ang self-rated poverty level sa 66 porsyento.
Naungusan din ang naitalang self-rated poverty score noong panahon ng administrasyong Duterte.
“The estimated numbers of Self-Rated Poor families were 16.0 million in June 2024 and 12.9 million in March 2024,” ayon sa SWS.
Samantala, 12 porsyento naman ang nagsabi na nasa borderline sila ng kahirapan, habang 30 porsyento naman ang nagsabi na hindi sila poor.
Meanwhile, 12% of respondents considered themselves borderline (between poor and not poor), while 30% identified as not poor.