HIMAS-REHAS ang isang security guard na bumaril umano sa tindero na hindi siya pinagamit ng banyo sa Antipolo, Rizal kamakailan.
Ayon sa ulat, nagpaalam ang sekyu, 55, sa bananacue vendor na makikigamit ito ng CR pero hindi pumayag ang huli.
Sabi ng vendor, mga kostumer lamang ng tindahan ang pwede sa banyo.
Sa galit, binunot ng suspek ang baril at pinaputukan ang biktima.
Sa kabutihang-palad ay hindi tinamaan ang vendor.
Sa presinto, iginiit ng suspek, na umamin na nakainom ng alak, na hindi niya binalak na barilin ang biktima. Palusot niya, nagpaputok lamang siya dahil sa sobrang galit.