School opening para sa 2024-2025 sisimulan sa July 29, magtatapos sa March 31

PLANONG simulan ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng 2024-2025 school year sa Hulyo 29 at tatapusin naman ito ng Marso 31 sa susunod na taon.

Nangangahulugan na balik na sa dati ang school calendar gaya nang nais ng madami.

Matatandaan na una nang sinabi ng DepEd na balak nitong ibalik sa dati ang school calendar. Sa inilabas na Department Order No. 003 S. of 2024, magsisimula sana ang susunod na school year ng Hulyo 29 at magtatapos sa Mayo 16, 2025.

Dahil sa biglaan ang pagpapatupad ng muling pagbabalik ng school calendar, nangangahulugan na magkakaroon na lamang ng 163 school days, mas mababa sa usual na 180 araw.

Dahil dito, posibleng magkaroon ng pasok tuwing Sabado ang mga bata, ayon kay DepEd-Bureau of Learning Delivery chief Leila Areola sa isinagawang pagdinig ng House committee on basic education and culture niton Lunes.informed the House of Representatives’ committee on basic education and culture in a hearing on Monday.