SB19 nominated sa Nickelodeon’s Kids’ Choice Awards

BIRUIN mo nga naman, may panibago na naman achievement ang P-pop group na SB19.

Ito ay matapos manominate sa Nickelodeon’s Kids’ Choice Awards (KCAs) ngayong taon.

Kalaban ng grupo ang sa KCA’s Favorite Asian Act categoery ang Enhypen, NiziU, Iman Troye at Tiara Andini.

Iaanunsyo ang mga mananalo sa KCA sa Hulyo 13.

Samantala, bago ito, umani na ng 3 milyon views ang SB19 comeback single na “Moonlight” ilang linggo lang ang nakararaan matapos itong i-release sa YouTube.

Goodluck Pablo, Stell, Josh, Justin, and Felip!