Saturday, night classes kinukonsidera ng DepEd para makabawi sa suspension

TINITINGNAN ngayon ng Department of Educaiton (DepEd) ang pagpapatupad ng Saturday at night classes para makabawi sa mga suspension na idinulot ng mga nagdaang bagyo.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na kailangan nang paghandaan ang pagpasok tuwing Sabado at sa gabi para makabawi sa mga nakanselang klase.

In an ambush interview on the sidelines of the 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia at SEAMEO Regional Centre for Educational Innovation and Technology center in Quezon City, Angara underscored the urgency of make-up classes to prevent learning loss.

“Sinasabi namin na maghanda na, na iyong iba, Saturday classes na, atsaka yung iba, baka kailangan evening dahil depende sa availability ng teachers, depende sa availability ng facilities,” ayon kay Angara sa sidelines ng 2024 Regional Conference on Educational Planning in Asia sa SEAMEO Regional Center for Educational Innovation and Technology center sa Quezon City.

Sa tala ng DepEd, 20,860,818 learners at 883,822 teaching at non-teaching staff sa 42,099 eskwelahan sa bansa ang naapektuhan ng mga nagdaang Super Typhoon Julian, Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon.

Umabot sa 26 araw ang mga nasuspindeng klase simula noong Agosto sa tala mula sa Calabarzon.