Sarah sa mga anak: ‘How lucky I am to be your mom’

MADAMDAMIN ang mensahe ng aktres na si Sarah Lahbati sa mga anak na sina Zion and Kai makaraan ang kanilang bonding moment sa isang interactive museum.

Ibinahagi ni Sarah ang mga photos at videos na kuha sa pamamasyal nilang mag-iina na nilakipan niya ng caption ukol sa mga kinahaharap niyang pagsubok bilang ina.

“Sometimes I wonder how I will manage everything, how I will balance it all, but then I am reminded of how lucky I am to be your mom,” ani Sarah.

“Life is like a wave, and I should just ride it… I feel blessed to watch both of you grow up into kind young boys. Life isn’t perfect, but we are truly blessed, and my heart is full,” dagdag niya.

Kinumpirma ni Sarah noong Marso na hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.

Ikinasal ang dalawa noong 2020.