LUMUTANG ang isang dating pulis-Davao City at inakusahan si Vice President Sara Duterte na mastermind ng “Oplan Tokhang” sa siyudad.
Ayon kay ex-Davao Senior Police Officer Arturo Lascañas, sina Duterte, na noon ay alkalde ng siyudad, at dating Davao City police chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lumikha ng extra judicial killings campaign sa Davao City noong 2012.
Ginawa ni Lascañas ang pahayag makaraan umano ang pre-trial investigation sa kanya ng International Criminal Court (ICC).
Aniya, nagbigay siya sa ICC ng affidavit at “black book” na naglalaman aniya ng mga umano’y pagpatay na inutos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagkakasangkot ng kanyang mga anak.
“Siya (Sara) nga ang pasimuno nitong Oplan Tokhang noong nakaupo siya as a mayor nu’ng 2012 in-appoint niya si Bato dela Rosa as Chief of Police ng Davao City,” pagsisiwalat niya.
“Sinabi sa akin ni Bato dela Rosa na nag-craft sila ng panibago ngayong extrajudicial killing na campaign against illegal drugs which is Toktok Hangnyo… meaning Tokhang,” dagdag ng dating opisyal.
Ang mga target ng kampanya ay mga pusher at user ng shabu.
“Sabi niya kidnapin ninyo, ilubog ninyo ang target. Para ang kaso missing in person lang,” pahayag pa ni Lascañas.
Bukas ang publiko sa panig ng Vice President.