Sanggol isinakay sa motorsiklo, patay sa aksidente

NASAWI ang limang-buwang-gulang na sanggol nang maaksidente ang motorsiklo na lulan siya at kanyang ina sa Calape, Bohol nitong Huwebes.

Nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan ang sanggol. Naitakbo pa ito sa pagamutan pero hindi na naisalba ng mga doktor.

Ayon sa pulisya, napunta sa kabilang lane ang mag-ina at bumangga sa isa pang motorsiklo sa Brgy. Calunasan bago sumalpok sa tricycle.

Nagtamo ng sugat ang ina at ang mga driver ng ikalawang motorsiklo at tricycle.

Napag-alaman na kandong ng ina ang sanggol nang maganap ang insidente.

Isinugod silang lahat sa ospital matapos magtamo ng mga sugat.

Mahaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property ang driver ng ikalawang motorsiklo.