Sakit ni Sharon malala pa sa Covid?

INIHAYAG ng aktres na si Sharon Cuneta na mayroon siyang ubo at sipon na mas malala pa sa mga sintomas ng Covid-19 na naranasan niya ilang taon na ang nakararaan.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Megastar ang kanyang health update.

“Earlier today i posted gifts & letters from my Sharonian Kids. Now lang i will mention that their timing was perfect – kasi i am sick!

“I shot a commercial last Sat., & sobra sobra akong napagod at nalamigan that when i got home late that night i felt something was coming na.

“True enough ang lakas ng ubo at sipon ko now and this feeling is what i hate the most! Di makahinga sa sipon, di makatulog dahil sa ubo! Kinontrahan ng mga gamot ang trangkaso.

“Haaay ayoko magkaCOVID ulit pero mas mahirap pa ito kesa nung may Covid ako!!!” ani Sharon.

Kaya naman hiling niya sa fans: “Please pray for me. I cannot stand congestion and ubo! Thanks so much. Love you all.”