Sa kabila ng tagumpay, Carlos Yulo, ina may hidwaan nga ba?

TODO ang pasalamat sa Diyos ng girlfriend ng gold medalist na si Carlos Yulo sa tinamo nitong tagumpay sa men’s floor exercise event ng artistic gymnastics competition sa 2024 Paris Olympics.

Ibinahagi ni Chloe Anjeleigh San Jose sa social media ang isang video ng proud moment nila ni Caloy.

“We did it in God’s name,” ani San Jose sa caption.

Wala namang natanggap na pagbati sa social media mula sa pamilya ang gymnast na umano’y nakatampuhan niya noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, ngayong araw ng Linggo ay naglutangan ang mga public post ng ina at mga kapatid ni Caloy na tila mga patama sa huli.

Isa rito ang ginawang pagdiriwang ni Angelica Yulo, ina ni Caloy, sa panalo ng Japan sa men’s all-around finals kung saan halos nangulelat ang anak.  

“Japan pa din talaga…lakas,” ani Gng. Yulo sa Facebook post ilang araw na ang nakalilipas.

Noong Hunyo ay nagbahagi ng “appreciation post” si Angelica para sa kanyang mga anak pero napansin ng ilang netizen na hindi niya nabanggit si Caloy.

“Expect the unexpected sabi nga nila hahahaha. Thank you sa tatlo kong anak, Joriel, Eldriew at Elaiza Yulo sila yung constant na nangangamusta sa akin at sila din yung palaging nag comfort sa akin. Mahal ko kayong tatlo,” aniya.

“Kulang ata Tita Angeeee,” komento ng netizen.

 “Sakto lang yan,” reply ni Gng. Yulo.

“Isali mo ‘yung isa,” hirit ng isa pang commenter.

“Dahu,” mataray na tugon ng ginang.

“Pala desisyon kau. Di ko matag kasi blocked ko na nga.”

Maging ang kapatid ni Caloy na si Jorielgel Yulo ay may mga patama laban sa kanyang kapatid bago ang Olympics.

“Grabe yoooon,” ani Jorielgel sa nasabing panalo ng Japan laban kay Caloy.

Hindi naman malinaw kung ano ang ugat ng hidwaan ng magkakapamilya.