HINDI na kabilang ang mga RTC judges sa mga opisyal ng pamahalaan na bibigyan ng protocol license plates.
Sa Executive Order No. 56 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nasa 14 na lang mula sa 15 ang mga opisyal na papayagang gumamit ng nasabing plaka.
Base sa nasabing batas, gagamitin lang ang plaka sa rehistradong sasakyan ng opisyal o sa inisyu rito ng kanyang tanggapan. Kapag nagretiro, nag-resign o natapos ang tour of duty ay ibabalik ito sa Land Transportation Office.
Kabilang sa mga opisyal na maaaring gumamit ng protocol plates ang Pangulo (1); Vice President (2); Senate President (3); House Speaker (4); Chief Justice, Supreme Court (5); Cabinet officials (6); Senators (7); Congressmen (8); at Supreme Court Associate Justices (9).
“10” ang gagamiting protocol plate ng mga presiding justice ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at Solicitor General habang “11” ang sa chairperson ng Constitutional Commission at Ombudsman. at “14” sa AFP chief of staff at PNP chief.
Hindi na pagagamitin ng “16” protocol plate ang mga regional trial court judge.
Inatasan ni Marcos Jr. ang DOTr na lumikha ng registry para sa lahat ng mga opisyal at sasakyang nabigyan ng protocol license plates.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa DOTr at Land Transportation Office na magpatupad ng guidelines upang masiguro na hindi madadagdagan ang listahan ng mga opisyal na papayagang gumamit ng nasabing plaka.