Rowena Guanzon inokray hosting style ni Alden; niresbakan ng fans

PINAYUHAN ni dating Comelec Commissioner Rowena Guazon ang pamunuan ng Miss Universe Philippines na huwag na uling gawing host ng coronation ang Kapuso actor na si Alden Richards.

Sa X, nagpahiwatig din si Guazon na hindi niya kilala si Alden.

“Sino ba yong male emcee sa Ms Universe Philippines na sigaw ng sigaw? Dont hire him again. Nakakainis ang boses,” sey ni Guazon, dating alkalde ng Cadiz City, Negros Occidental.

Ipinagtanggol naman ng netizens si Alden at ipinaliwanag kung bakit kailangang lakasan nito ang boses.

“I watched the Miss Universe at MOA & he did a great job on his hosting. He needed to raise his voice because the stage is huge. Plus, it’s one way to hype the crowd since it was late night already. I think his voice was loud because the camera was near him.”

“Madam, marami nang nagpaliwanag na mas malakas sa livestream pero kung nasa loob ka ng MOA na mas malakas ang hiyawan ng fans kaya kinailangang lakasan ang boses. at bago laitin ang host, search ninyo si #ALDENRichards. panoorin nyo sa Youtube ang Alaala: A Martial Law Special.”

“Be nice. Huwag ka naman magpahiya ng ganiyan. This type of comment is not necessary, especially kung galing sa iyo.”