TINALAKAN ng beauty brand owner na si Rosmar Tan ang mga tao na sumusugod sa kanyang resort sa Laguna para hingan siya ng pera.
Sa Facebook, ipinost ni Rosmar ang inis niya sa mga netizens na kapag hindi napagbigyan ay magbabanta na pasisikatin daw siya online.
“Pakiusap lang sa mga humihingi ng tulong ‘wag po kayo basta basta susugod sa mga resto ko at mananakot na pasisikatin dahil di kayo naaasikaso ng mga staff ko,” aniya.
“Nagnenegosyo po tayo hindi nagchacharity busy po sila. At di ko po kayo lahat obligation. Oo tumutulong kaming mag asawa pero di namin kaya tulungan lahat,” dagdag niya.
“Kaya ako lalong tinatamad na tulungan ung mga bigla biglang pupunta at mangcocorner. Respect nyo rin po sana privacy naming mag asawa,” sambit ni Rosmar.
Klinaro rin ng CEO at social media personality na hindi Philippine Charity Sweepstakes Office na takbuhan ng mga nangangailangan.
“Nagnenegosyo po ako di po ako nagtayo ng resto para gawing PCSO. Kaunting respeto naman po. tumutulong tayo pero wag abusado di rin naman ako politiko. Negosyante po tayo,” giit niya.
“Simula ngayon sa lahat ng pupunta sa business namin o mangcocorner sakin para humingi ng tulong pasensya na pero di namin lalo ieentertain para di masanay. nakakadala,” anunsyo pa ni Rosmar.