Rosmar pabor sa divorce: ‘Catholic ako pero…’

ISA ang brand owner at social media influencer na si Rosmar Tan sa mga hayagang pumapabor sa pagkakaroon ng divorce sa Pilipinas.

“Ako, Catholic ako at married din at the same time. Para sa akin walang masama na aprubahan ang divorce,” aniya sa Facebook.

“Kung kasalanan man sa Bibliya ang divorce, siguro mas kasalanan kung nagsasakitan at naglolokohan na ang mag-asawa,” dagdag niya.

“Mahirap ipilit kapag di na masaya at mahirap magsama kung ayaw na talaga,” hirit pa ni Rosmar. “Sa akin never ko naisip na magdi-divorce o maghihiwalay kami ng asawa ko dahil masaya kami araw araw. Pero paano naman ‘yung mga nagsasakitan, naglolokohan at di na talaga masaya kahit ano’ng pilit di ba? Deserve din nila makahanap ng swak para sa kanila.”

Sakaling maging batas ang divorce sa Pilipinas ay may isang hiling lang siya.

“Sana maging libre ang pag-file ng divorce kasi imagine nasaktan ka na, gagastos ka pa?” sey niya.

Sa kabila ng pag-ayon niya sa divorce, may pangako si Rosmar sa kanyang asawang si Jerome Pamulaklakin.

“I love you, Daddy. Basta ikaw, never kitang idi-divorce maaprubahan man ang batas na ‘yan. Habambuhay tayong magsasama, ikaw lang at wala nang iba,” sabi niya.