Roque: Wala kaming conflict ni Locsin

NILINAW ni presidential spokesperson Harry Roque na wala silang alitan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin matapos kontrahin ng huli ang kanyang mga pahayag kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).


“We talked this morning and we’re fine,” sabi ni Roque.


Noong Martes ay kinontra ni Locsin ang pahayag ni Roque na hindi bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.


“There is only one voice on what’s ours: mine. Period. Not even the military has any say. I speak for the President on this subject,” sabi ni Locsin sa isang tweet.