Romualdez tiniyak dagdag P350 subsistence allowance sa sundalo

TINIYAK ni Speaker Martin Romualdez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tuloy-tuloy na budgetary support dito, kabilang na ang hiling na P350 dagdag na susbsistence allowance para sa mga sundalo.

Ginawa ni Romualdez ang pagtiyak matapos mag-courtesy call sa kanya ang 17 general at senior flag officers ngayong Martes.

“Our soldiers are the backbone of our nation’s security and defense. We must ensure they have the resources they need to serve with honor and dedication,” pagtiyak ni Romualdez.

Nagpasalamat naman si AFP Deputy Chief of Staff, Lt. Gen. Jimmy Larida kay Romualdez at sa buong Kamara sa proactive efforts nito, lalo na sa pagpapahayag ng suporta sa isinusulong na dagdag na allowance ng mga sundalo.

“We are very, very thankful sa confirmation na ibinigay po sa atin ng Speaker ng House that they will provide the promised increase of our subsistence allowance,” ayon kay Larida.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Larida ang Kamara sa pagsuporta nito sa modernization program ng Sandatahan at iba pa nitong inisyatibo para mapanatili ang seguridad ng bansa.

Nanindigan din ito ng patuloy ang gagawing pagganap ng AFP sa pagsunod nito sa Konstitusyon.