NAGHAIN na rin ng kanyang certificate of candidacy si Speaker Martin Romuadez bilang kongresista sa unang distrio ng Leyte sa unang araw ng COC filing ngayong Lunes.
“Ang patuloy na suporta ng ating mga kababayan ang inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang ating nasimulan. Isa pong malaking karangalan ang magsilbi sa Leyte at sa buong bansa,” ayon kay Romualdez, pinsang buo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., nang ihain ang kanyang COC sa harap ni Maria Goretti Canas, acting Provincial Election Supervisor ng lalawigan ng Leyte.
Nangako si Romualdez na sakaling mahalal muli sa Mayo 2025 bilang kongresista, palalawigin pa niya anya ang kanyang mga nasimulang programa para sa edukasyon, healthcare at mas maraming infrastructure projects para sa mas mabilis na development sa lalawigan.
Si Romualdez, na siya ring lider ng grupong Lakas-CMD, ay nangakong itutuloy ang mga livelihood programs na sususog sa kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante.
Kasama ni Romuladez na naghain ng COC ay ang mga kapartidong sina Leyte Governor Jericho Petilla, Vice Governor Leonardo Javier.