INAMIN ni Rommel Padilla na nanghihinayang ang buong Padilla clan sa sinapit ng relasyon ng anak na si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.
Sa isang panayam, sinabi ng dating action star na umaasa siya na magkakaroon ng ikalawang yugto ang KathNiel.
“Sana dumating ‘yung pagkakataon na magkita silang muli, magkaunawaan. Napakalaking panahon na nagkasama sila.
Sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan,” ani Rommel.
Inilahad din niya na hindi lang siya ang nalulungkot at nanghihinayang sa pangyayari. “Lahat kami, hindi lang ako,” sabi niya.
Payo niya kina Daniel at Kathryn: “Magmuni-muni muna sila at timbangin nila ‘yung kanilang naging pagmamahalan…dapat pa ba silang magbalikan? Ito ‘yung time na ‘yun na makikita nila kung puwede pang maging sila sa mga darating na araw.”