Rollback sa presyo ng produktong petrolyo

AABOT sa P1 ang inaasahang tapyas sa presyo sa mga produktong petrolyo simula sa Martes, Hunyo 11.

Sa advisory, sinabi ng Shell Pilipinas Corp. na bababa ang presyo kada litro ng gasolina ng P0.60, diesel ng P1.20, at kerosene ng P1.30.

Ganitong rollback din sa presyo ng kanilang gasolina at diesel ang ipatutupad ng Cleanfuel.

Epektibo ang bawas-presyo ng Shell alas-6 ng umaga ng Martes habang mag-aadjust ng presyo ang Cleanfuel alas:12:01 ng umaga sa kaparehong araw.

Wala pang anunsyo ang ibang kumpanya.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay bumaba ng P0.90 ang kada litro ng gasolina, P0.60 sa diesel, at P0.80 sa kerosene.