NAKATAKDANG magpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis matapos ang dalawang sunod na price hike sa mga mga produktong petrolyo.
Batay sa pagtaya, aabot ng P1.60 hanggang P1.90 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel samantalang mula P2.60 hanggang P2.90 kada litro naman ang ibaba sa presyo ng gasolina.
Inaasahan din ang pagbaba ng kerosene ng mula P2.60 hanggang P2.90 kada litro.
Matatandaang ngayong linggo, umabot ng mahigit P6 kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel matapos magpatupad ng bigtime dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis.