Rider todas sa motorbike race

NASAWI ang rider na kalahok sa racing competition nang sumalpok sa van sa Agdangan, Quezon nitong Linggo ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.

Kalahok ang biktima sa 1st Guinayangan Motorcycle Endurance Challenge.

Ayon sa ulat, pabalik na ang rider sa bayan ng Guinayangan, ang lugar na pinagmulan ng karera, nang mag-overshoot ang motor sa kabilang lane sa Brgy. Salvacion.

Hindi naman agad nakaiwas ang biktima sa kasalubong na van.

Dahil sa impact, wasak ang motorsiklo.

Bumukas ang airbag ng van kaya nakaligtas ang pasahero at driver nito.

Wala pang pahayag ang driver ng van.