Rider sumemplang sa Edsa, pisak sa bus

PATAY ang rider makaraang sumemplang at magulungan ng bus nang masagi ng isa pang motorsiklo sa Edsa, Makati.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa southbound lane ng Edsa sa Magallanes.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang hindi kinilalang biktima nang masagi ng kasabay na motorsiklo. Dahil sa lakas ng impact, sumemplang ang rider.

Sa kasamaang-palad ay nagulungan ang rider ng paparatating na bus.

Nasa kostudiya ng mga pulis ang driver ng bus.

Samantala, nasaktan ang 19 na katao nang bumangga sa poste ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa Taytay, Rizal.

Bago bumangga sa poste, apat na motorsiklo ang nasagi muna ng jeep.

Tumakas ang driver ng jeep matapos ang insidente pero sumuko rin kinalaunan.