Rider binoga ng holdaper sa leeg, buhay

SUGATAN ang motorcycle rider makaraang na barilin sa leeg ng mga kawatan sa Antipolo City noong Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, nakahinto ang rider nang huminto sa kanyang tabi ang motorsiklo na lulan ang dalawang suspek.

Bumaba ang backride nito at nagdeklara ng holdap bago sapilitang kinuha ang motorsiklo. Pumalag ang biktima kaya binaril ng suspek.

Nang humandusay sa kalye ang biktima ay tinangay ng suspek ang motor.

Kinuha naman ng ikalawang suspek ang cellphone ng biktima.

Pero hindi pa nakakalayo ang ikalawang salarin ay tumirik ang minananeho nitong motor kaya umangkas siya sa kasama.

“Natagpuan natin may mga dokumento doon na nagtuturo sa posibleng suspek natin,” ani Antipolo police chief Lt. Col. Ryan Manongdo.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling sa ospital ang biktima.

“Hindi pa rin niya magalaw buong katawan niya. Sabi ng doktor ilipat namin kasi wala ditong espesyalista sa spinal,” sambit ng ina ng biktima.

Nanawagan sila ng tulong sa ride-hailing app company na kinabibilangan ng kaanak.