Richard, Barbie exclusively dating

KUNG paniniwalaan ang showbiz insider na si Ogie Diax, exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

“Ayon sa aming very reliable source, walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at Sarah Lahbati bago pa pumasok sa eksena si Barbie,” paliwanag ni Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

Matatandaan na kamakailan lang ay naispatan sina Richard at Barbie na naglalamyerda sa South Korea.

“Last year pa hiwalay ang mag-asawa, pareho nang single at co-parenting na lamang sila sa kanilang dalawang anak,” dagdag ni Ogie.

Ngayong taon lang nabuo ang relasyon ng dalawa, dagdag pa raw ng source ni Ogie. Noong January unang nakita in public sina Richard at Barbie nang dumalo sa birthday ng common friend sa Tipsy Pig gastro pub sa Alabang, Muntinlupa.

Noong December 8 ay kinumpirma ni Annabelle Rama na umalis na nakatira na sa kanyang bahay ang anak na si Richard.

Dagdag ni Ogie, in due time raw ay magsasalita sina Richard at Barbie kaugnay sa kanilang relationship status