KINUMPIRMA ni Metropolitan Manila Development Authority chair Don Artes na inirekomenda niya ang aktres na si Ria Atayde bilang susunod na tagapagsalita ng ahensya.
“I believe she she can be an asset. That’s why ako mismo nag-ask sa kanya,” ani Artes.
Tumanggi namang magkomento ang kampo ni Ria kung tanggapin o hindi nito ang alok.
Pero inamin ni Chuck Gomez, publicist ni Ria, na may offer nga mula kay Artes.
“Regarding the Ria Atayde as spokesperson, yes there was an offer,” aniya.
Dagdag ni Gomez: “This is all we can say for now about this matter.”
Inihayag niya na nasa Cannes, France si Ria para dumalo sa international film festival.
“Right now Ria is in Cannes to showcase the action-thriller Topakk, starring Arjo Atayde and directed by Richard V. Somes, which she produced as CEO of Nathan Studios,” ani Gomez.
Sakaling tanggapin ni Ria ang posisyon, papalitan niya si Atty. Mel Carunungan.
Si Ria ay kapatid ni Arjo, ang kinatawan ng First District ng Quezon City, at anak ng aktres na si Sylvia Sanchez.