NAKATAKDANG ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng kauna-unahang digitalized bar exam sa Abril 12, 2022.
“We release the results of the Bar on April 12. Oath-taking will be for May 2,” ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na siya ring chairman ng Bar Exams ngayong 2020 at 2021.
Ang venue, oras, at iba pang detalye ng oath-taking ay iaanunsyo rin sa mga susunod na araw.
Mahigit 11,000 law graduates ang kumuha ng 2020/21 Bar examination na isinagawa sa unang pagkakataon sa 31 testing sites na matatagpuan sa 22 local government units sa buong bansa.