NAISPATAN ang isang Russian attack submarine sa West Philippine Sea, ayon sa ulat ng Inquirer.
Ayon sa mga sources ng Inquirer, nakita ang Russian Navy Ufa, isang Kilo II-class diesel-electric submarine 148 kilometro kanluran ng Occidental Mindoro nitong Nob. 28. Galing umano ito ng Malaysia.
Madaling nag-deploy ng sasakyang pandagat at himpapawid ang Philippine para bantayan ang galaw ng submarine.
Hindi tinukoy ang dahilan ng paglutang ng submarine.
Dahan-dahan itong lumabas ng bansa nitong weekend.