PORMAL na inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong Lunes na ikinokonsidera na nila na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. bilang isa sa mga mastermind sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Dagamo at walong iba pa noong Marso 4.
Dalawa hanggang tatlong mastermind ang diumano’y kanilang tinitingnan sa ngayon, ayon kay Remulla sa isinagawang press conference.
“They are being considered as masterminds,” dagdag pa ni Remulla.
Posibleng maisampa umano ang mga kaso ngayong Biyernes.
Sinabi rin ni Remulla na ang mga armas na nakumpiska sa isang rice mill na diumano’y pag-aari naman ng kapatid ni Teves na si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves ay akma sa mga salaysay na binitiwan ng mga suspek sa pagpatay na nadakip.
Binatikos naman ng abogado ni Teves na si Ferdinand Topacio ang umano’y di patas na pagtingin ng DOJ sa kaso ng kongresista.