Regular na buwanang suplay ng gamot sa senior citizen inihirit

ISINUSULONG ngayon ng isng kongresista mula sa Mindanao na gawing regular ang buwanang suplay ng gamot sa mga senior citizens.

Sa kanyang House Bill No. 10230 or “Monthly Maintenance Support for Senior Citizens Act”, nais ni Agusan del Norte Rep. Dale Corvera na bigyan ng P1,000 halaga ng maintenance medicine, food supplement at vitamins ang mga may edad 60 anyos pataas.

Anya, bagamat entitled na ang 9.2 milyong senior citizens sa iba’t ibang benepisyo at pribilehiyo para sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan, “the grant of discounts is largely dependent on [their] disposable income or capacity to buy.”

Para doon sa mga wala anyang ekstrang pera, wala rin anyang magiging saysay ang discount benefits na ibinibigay ng pamahalaan.

“It is a known fact that senior citizens, because of advanced age, often suffer from several health conditions which require the regular intake of maintenance medicines,” ayon sa kongresista.