NAGDEKLARA ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng red alert status sa Luzon Grid dahil sa patuloy na problema sa kakulangan ng power supply.
Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na epektibo ang red alert mula alas-9 ng umaga ngayong Miyerkules hanggang alas-5 ng hapon at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.
Idinagdag ng NGCP na nangangailangan ng 11,976 megawatts para suplayan ang pangangailangan sa Luzon, bagamat ang suplay ay nasa 11,260 megawatts o kakulangan ng 716 megawatts.
Inaasahan naman magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng rotating brownout dahil sa pangyayari.