Ray Parks napahiya sa inasal ng Pinoy fans ni Speed

RACIST, ignorante, walang respeto at nakakahiya ang ginawa ng ilang Pinoy sa live streaming ng US content creator na si IShowSpeed, ayon sa basketball player na si Ray Parks.

Nitong Miyerkules ay nag-live stream sa YouTube si Speed, Darren Jason Watkins Jr. sa totoong buhay, habang nag-iikot sa Maynila.

Pinagkaguluhan ng mga fans si Speed na sakay ng motorsiklo pero mas nawindang ito nang sigawan siya ng “N-word” nang ilang fans.

Shinare ni Ray sa Instagram story ang bahagi ng  streaming na nilakipan niya ng caption na, “To all my fellow Filipinos saying the N-word to act cool, that is just ignorant, disrespectful and downright embarrassing. Do better.”

Hirit pa ni Ray: “Words could speak life. Words could speak death. #StopRACISM.”