Rape pormal na isinampa sa DOJ vs. 2 GMA writers

NAGHAIN ng reklamong rape through sexual assault ngayong araw ng Lunes sa Department of Justice (DOJ) ang young actor na si Sandro Muhlach at ang National Bureau of Investigation (NBI) laban ang dalawang independent contractors ng GMA-7.

Ayon sa ulat, nagtungo sa tanggapan ng DOJ sa Maynila si Sandro, kasama ang amang si Ñino Muhlach at dalawa pang testigo, para sumumpa sa mga prosecutors.

Naniniwala ang legal counsel ni Muhlach na si Atty. Czarina Raz na makakasuhan ang mga independent contractors ng Kapuso network na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil matibay ang kanilang mga ebidensya.

Ganito rin ang sentimento ni Muhlach na sinabing “the truth will come out.”

Nagpasalamat naman si Niño sa mga sumuporta sa anak.

“Parang nakaluwang-luwang na sa dibdib dahil umabot na tayo sa araw na ito. Ang bigat kasi nakikita mo ‘yung anak mo araw-araw na nagsa-suffer. Hindi makakain, hindi makatulog,” aniya.

“Salamat sa lahat ng nagsuporta kay Sandro,” dagdag ng dating child star.

Wala pang sagot sa bagong kaganapan sina Nones at Cruz.