IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification case na isinampa laban sa suspected child abuser na si Apollo Quiboloy para hindi makatakbo sa pagkasenador sa darating na 2025 elections.
Sa 14-pahina na inilabas nitong Dis. 18 ng Comelec First Division, sinabi nito na nabigo ang petitioner na si Sonny Matula na makapagbigay ng sapat na ebidensiya para makansela ang certificate of candidacy ni Quiboloy.
“Even if this Commission (First Division) were to apply the rules on liberality and decide based on the merits of this Petition, the grounds relied upon by the Petitioner for the disqualification of Respondent and the cancellation of his COC are incorrect and without factual and legal basis,” ayon sa desisyon.
Ayon kay Matula ang nominasyon ni Quiboloy na ginawa ng Workers’ and Peasants Party ay invalid dahil sa unauthorized signatory sa kanyang Certificate of Nomination and Acceptance.
Kasalukuyang nakadetine si Quiboloy sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa patong-patong na kaso ng human trafficiking at child abuse.