Quiboloy nagpatutsada kay Hontiveros

ILANG sandali makaraang sumuko sa mga otoridad, nagpasaring ang “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe” na si Pastor Apollo Quiboloy kay Sen. Risa Hontiveros na siyang nasa likod ng Senate investigation ukol sa mga alegasyon laban sa kanya.

Ani Quiboloy sa panayam ng mga mamamahayag:

“Si Risa Hontiveros, ‘yung kaibigan natin. Gusto ko imbitahan siya rito e. May pag-uusapan kaming magandang batas, na dapat pag may asawa ka huwag ka nang mag-ano sa iba.”

Nagtawanan naman ang mga nakarinig sa pahayag ng pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KJC).

“Pasabog,” sabi ng isa.

Sumuko si Quiboloy nitong Linggo sa KOJC compound matapos siyang bigyan ng ultimatum ng pulisya na payapang sumuko kung hindi ay sasalakayin ng mga ito ang gusali na gwardyado ng kanyang mga tauhan.