Quiboloy naghain ng not guilty plea sa human trafficking case

NAGHAIN ng not guilty plea ang self-appointed “Son of God” si Pastor Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking Biyernes ng umaga sa Pasig City Regional Trial Court.

Humarap sa Pasig RTC Branch 159 si Quiboloy kasama ang kanyang apat na tagasunod na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañez, na pawang naghain din ng not guilty plea sa katulad na kaso.

Nahaharap ang lima sa non-bailable qualified human trafficking charges sa ilalim ng Section 4(a) of Republic Act 9208, as amended, na isinampa noong Abril.

Nakakulong si Quiboloy sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City matapos itong maaresto sa Kingdom of Jesus Christ compount sa Davao City noong Linggo.