WALANG lumutang na Pastor Apollo Quiboloy ngayong araw sa Senado kung saan iniimbestigahan ang mga alegasyon ng large-scale human trafficking, rape, sexual abuse and violence, at child abuse ng kanyang religious group na Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Imbes ang abogado niyang si Melanio Bayalan ang dumalo sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.
Matatandaan na noong Disyembre ay naghain si Hontiveros ng Senate Resolution 884 na layong silipin ang mga kasong kinasasangkutan ni Quiboloy at ng KOJC.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nadawit si Quiboloy sa mga alegasyon ng sexual abuse. Kinasuhan siya sa US noong 2021 dahil sa diumano’y sex-trafficking operation ng kanyang grupo.