ISA si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto sa mga opisyal ng siyudad na dumalo sa grand opening ng “Diwata Pares Overload” branch sa Sanville Subdivision sa Brgy. Culiat.
Ibinahagi ni Sotto sa Facebook ang larawan niya kasama ang viral street vendor na si Diwata.
“Congratulations Diwata sa iyong Diwata Pares Overload Quezon City Branch!” caption ng vice mayor.
Bukod kay Sotto, ilang social media personality ang present sa nasabing opening gaya nina Rosmar Tan at Rendon Labador.