Quentin nilibre si Ninang Gelli gamit ang inipong pera

TOUCHED na touched ang aktres na si Gelli de Belen sa pagiging maalalahanin ng kanyang inaanak na si Quentin Pangilinan, ang anak ni Candy Pangilinan na may ADHD at nasa autism spectrum.

Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan si Gelli at bilang regalo ni Quentin ay inaya niya ang ninang na kumain sa labas.

Ani Gelli, si Quentin ang nagbayad sa kanilang kinain gamit ang pera mula sa alkansiya nito.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gelli ang ganap sa birthday celebration.

“This big boy has to be the sweetest,” caption ni Gelli sa post.

“Quentin knew it was my birthday so he told his Mom na kakain daw kami sa Shakey’s, favorite niya Hawaiian pizza, tsaka ‘yun daw kaya ng budget niya,” kuwento ni Gelli.

“So right before going, nilabas niya ang kanyang piggy bank because that is what he will use to pay at ‘yun mismo ang dala niya sa lunch,” dagdag ng aktres.

Maliban dito, niregaluhan din siya ni Quentin ng chocolate, rosary at isang sulat.

“My [heart] is so full of gratitude for this thoughtful boy,” sambit ni Gelli.

“Ninang loves you, Quentin!” mensahe niya sa inaanak.