NAG-SORRY si Quezon City Police District chief Brig. General Nicolas Torre III sa ginawa nitong pag-facilitate sa press conference sa ex-cop na si Wilfredo Gonzales, na nahuli sa video na nambatok at nagkasa ng baril sa harap ng isang siklista.
“I really regret that press conference. I really regret that deeply. I apologize to the Filipino people for those actions because those are decisions made in a very short span of time. In hindsight, we have 20/20 vision. I could have done it better with the same result pero nangyari na,” pahayag ni Torre sa panayam sa kanyan ng TeleRadyo Serbisyo.
Posible rin anyang magbitiw siya bilang direktor ng QCPD dahil sa pangyayari at nakikipag-usap na siya sa kanyang mga superior hinggil dito.
“I am discussing with my superiors my future involvement in this case. Maraming options. I may resign as district director…I am seriously considering getting out of Quezon City muna to give way to an impartial investigation.”
Una na ring kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ginawa ni Gonzales laban sa siklista. Nagpahayag din siya ng matinding pagkadismaya kay Torre dahil sa ginawa nitong pag-facilitate sa press con ni Gonzales na ginawa sa headquarters ng QCPD.