INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang suspensyon ng klase sa lahat ng mga paaralan sa lungsod para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kalatas, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas, sa publiko at pribadong mga paaralan, kabilang na ang isinasagawang Brigada Eskwela sa mga public elementary at high school.
“The suspension aims to minimize the impact of road closures and anticipated heavy traffic on residents and students. In view of this, every citizen of Quezon City is enjoined to listen to the SONA of the President of the Republic of the Philippines,” ayon sa kalatas.
Ipatutupad din ang liquor ban simula alas12:01 ng madaling araw hanggang alas-6 ng gabi sa Lunes upang matiiyak na walang magaganap na alcohol-related incidents during the SONA.