QC property ng ABS-CBN ibinenta ng P6.24B para pambayad utang

IBINENTA ng ABS-CBN Corp. ang 30,000 square meter property nito sa Quezon City sa Ayala Land sa halagang P6.24 billion para pambayad ng utang.

Ayon sa ulat, nagkapirmahan na ng transaksyon nitong Huwebes.

Gayunman, kinakailangan pa ang regulatory approval nito.

“Proceeds of the sale of the property will be used to partially prepay its outstanding bank loans,” ayon sa kompanya.

Ang ibinentang property ay bahagi ng 44,000 square meter na lupain na tinatayuan ng ilang gusali na pag-aari rin ng ABS-CBN, kabilang na ang production facilities.

“Mutually agreed” umano ang presyo ng property matapos ang matinding negosasyon at due diligence.