TODO-TANGGI ang Philippine National Police na naglabas ito ng memorandum sa lahat ng mga police station sa hilagang Mindanao na gumamit ng mga sibiliyan para sa bersyon nito ng community food pantry na tinatawag na “Barangayanihan”.
Ani PNP chief Gen. Debold Sinas, walang ganitong polisiya ang kapulisan.
“Wala kaming kuwan, planting ganito. Alam mo, kaniya-kaniyang gimik ‘yan para mapansin eh,” giit niya.
“When I received that report, I have instructed the CIDG at saka Cybercrime to check on that. But if you want the veracity, maybe you could talk directly kung saan galing ‘yon. Kasi vine-verify pa namin ang veracity ng report,” dagdag niya.
Sa memo na galing umano sa Police Regional Office Region 10 (Northern Mindanao) na kumalat sa social media, lahat ng mga police community precincts doon ay inatasang magtayo ng kanilang community pantry gaya ng sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City.
“Respective beneficiaries will take pictures of the activity and post in their respective FB accounts. These netizens can be planted beneficiary civilians so as to manifest community’s appreciation,” ayon sa memo.