INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang drag performer na si Pura Luka Vega Miyerkules ng hapon makaraan siyang isyuhan ng warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court Branch 36.
Sa ulat, dinakip si Vega sa kanyang bahay sa Sta. Cruz at ngayon ay nasa kustodiya ng MPD.
Ang arrest warrant ay base sa mga kasong immoral doctrine, obscene, publications and exhibition and indecent shows laban kay Vega, Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay.
Inirekomenda ng korte ang P72,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Matatandaang inireklamo si Vega ng Philippines for Jesus Movement makaraang kumalat ang kanyang video na nili-lipsynch ang “Ama Namin” habang nakabihis na Nazareno.